Patuloy ang panawagan ng United Nations sa mga bansa na dapat ay pagtuunan nila ng pansin para masulusyunan ang problema ng climate change.
Sinabi ni UN Secretary General António Guterres , na kapag pinabayaan ito ng mga bansa na talakayin ay mahaharap sa malaking sakuna ang isang bansa.
Umaasa ito na sa darating na climate change conference sa Egypt ay mabigyan ng sapat na atensiyon ang usapin.
Mahalaga na dapat ibalik ang nasabing usapin ng Climate Change.
Hindi rin dapat mabago ng mga lider sa iba’t-ibang bansa ang kanilang adhikain na mapanatili sa 1.5 degree celcius ang temperatura sa bansa para maiwasan ang masamang epekto ng climate change.
Umaasa ito na makadalo sina King Charles III at British Prime Minister Rishi Sunak sa nasabing conference para malaman ang kanilang hakbang sa paglaban ng climate change.