-- Advertisements --

Nanawagan ang United Nations (UN) ng imbestigasyon sa ginawang pamamaril ng Israel sa mga sibilyan sa Gaza na pumipila para kumuha ng mga pagkain.

Sinabi ni Stephane Dujarric ang tagapagsalita ni UN Secretary-General Antonio Guterres, na itinataya ng mga Palestino sa Gaza ang kanilang buhay para lamang makakuha ng mga pagkain.

Dagdag pa nito na nasasaksihan ng UN ang mga hindi pinag-iisipang mga hakbang na ginagawa ng Israel sa maraming buhay na nawala sa Gaza.

Dahil dito ay mahalaga na magsagawa ng agaran at independent na imbestigasyon sa insidente para mapanagot ang mga nasa likod ng insidente.