-- Advertisements --
Nagbabala ang United Nations na magdudulot ng kahirapan sa Ukraine ang pagharang ng Russia ng mga pantalan sa Black Sea ng Ukraine.
Ayon sa UN Development Programme (UNDP) na posibleng maghihirap ang nasa 90% ng Ukraine kapag itinuloy ng Russia ang kanilang atake.
Sinabi pa ni UNDP deputy representative in Ukraine, Manal Fouani, na nakakagulat ang nasabing bilang ng posibleng maghirap.
Iginiit nito na ang nakamit na 18 taon na development ng Ukraine ay posibleng mawala ito sa loob lamang ng isang taon dahil sa paglusob ng Ukraine.