-- Advertisements --

Ikinabahala ng UN World Food Programme (WFP) na maaring lumala na ang kagutuman sa northern Gaza.

Ayon kay UN World Food Programme (WFP) Deputy Executive Director Carl Skau, na marapat na agapan agad ito.

Iminungkahi nito ang pagkakaroon ng maraming mga tulong na pagkain sa Gaza.

Nababahala din siya sa patuloy na military operations ng Israel sa Rafah region na maaring madagdag sa bilang ng mga masasawing inosenteng biktima.