-- Advertisements --
Kinondina ng United Nations ang ginawang pagpatay ng Philippine National Police (PNP) sa siyam na aktibista sa Calabarzon.
Ayon kay U.N. human rights spokeswoman Ravina Shamdasani, na ang isinagawang operasyon ng PNP ay lubhang nakakabahala at indikasyon ito ng pagtaas ng kaso ng karahasan, pananakot at harassment.
Pinayuhan din nito ang mga otoridad na iwasan ang nasabing pamamaraan para hindi na magbunsod sa pagdami ng paglabag sa karapatang pantao.
Nauna ng iginiit ng PNP na nagtataglay ng mga baril at pampasabog ang mga suspek na napatay na mariing pinabulaanan ng ilang grupo at sinabing mga aktibista lamang sila at hindi mga mamamatay tao.