-- Advertisements --

Kinondina at labis na nalungkot ang United Nations’ refugee agency matapos ang pagkaka-diskubre ng halos 100 na nakahubad na migrants sa border ng Greece at Turkey.

Nailigitas ng mga kapulisan sa Greece ang 92 na mga migrants na walang mga damit at ang iba ay may sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Base sa ginawang imbestigasyon ng mga otoridad ng Greece na galing ang mga ito sa Turkey at tinawaid nila ang ilog.

Dahil dito ay isinisi ng mga otoridad ng Greece ang naganap na pang-aabuso sa mga taga Turkey.

Mariing pinabulaanan naman ng Turkey ang alegasyon at tinawag pa ito na fake news.