Naghihintay pa rin ang mga sibilyan sa Rafah, sa timog ng Gaza, sa mahabang pila para sa tinapay. Kasabay nito ang pilit na pagsasara ng mga panaderya dahil sa kakulangan sa gasolina.
Iginiit ng United Nations office for the Coordination of Humanitarian Affairs na 10 panaderya sa Gaza ang nasira at nawasak, habang tatlo ang nagsara dahil sa kakulangan ng gasolina.
Sinabi ng Charity ActionAid na gutom ang ginagamit bilang sandata ng digmaan kung saan ang mga panaderya ang target ng mga pagbomba.
Labindalawang trak pang may dalang tulong ang tumawid sa Strip, na nagresulta naman sa kabuuang 74 na trak mula noong Oktubre- ngunit walang ni isa ang nagdadala ng gasolina.
Samantala, sa Tel Aviv, nagsagawa ng isa pang protesta ang mga kamag-anak ng mga Israeli na na-hostage ng Hamas sa Gaza na nananawagan para sa kanilang agarang pagpapalaya.
Humiling ang mga miyembro ng pamilya sa kanilang gobyerno na gumawa ng higit pang paraan upang maiuwi ang mga hostage, habang may hawak na mga karatula na may mga pangalan at larawan ng mga taong pinaniniwalaang kinidnap ng Hamas.
Sinabi ng militar ng Israel na 224 katao ang hostage ng Hamas.