-- Advertisements --
Inakusahan ng isang United Nations human rights experts ang Israel ng genocide sa Gaza.
Ayon kay Francesca Albanese, ang UN special rapporteur on human rights sa Palestinian territories, na malinaw ang ginagawa ng Israel dahil maraming mga inosenteng sibilyan ang nasawi.
Mariing pinabulaanan din ng Israel ang nasabing pagsusuri na isinagawa ng UN human rights experts.
Ang nasabing pag-aaral ni Albanese ay inilabas matapos ang matinding pressure na natatanggap ng Israel mula sa iba’t-ibang bansa na pumipigil sa pag-atake nito sa Rafah.