-- Advertisements --

Hinikayat ng United Nations (UN) ang Taliban na tanggalin na ang paghihigpit sa mga kababaihan ng Afghanistan.

Ayon kay United Nations High Commissioner for Human Rights Volker Turk na ang paghihigpit sa mga kababaihan ay magdudulot ng paghihirap ng kanilang bansa.

Magreresulta aniya ito sa pagkakahiwalay imbes na pagsasama-sama ng isang bansa.

Magugunitang pinagbawalan ng Taliban ang mga kababaihan na pumasok sa unibersidad at matapos ang ilang araw ay pinagbawalan din ang mga ito na magtrabaho sa mga non-government organizations.

Ito na ang panibagong pagbabagong ipinatupad ng Taliban mula ng agawin nila ang kontrol sa Afghanistan.