-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Guadalajara 125 si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin niya si Mexican Varvara Lepchenko, 6(3)-7, 7-6(3), 6-3 sa kanilang Round of 16 game sa laro na ginanap sa Mexico.

Una ng kinansela ang laro ng dalawa dahil sa lakas ng ulan nitong Huwebes ng umagak kung saan hawak ni Eala ang 3-2 na kalamangan sa third set.

Agad na nakabawi ang Pinay tennis player at nakuha ang dalawa pang panalo sa laro.

Inaasahan na makakaharap ni Eala si Nicole Fossa Huergo ng Italy sa quarterfinals.