-- Advertisements --

Nagpunta ang isang grupo ng international experts na pinamumunuan ng World Health Organization (WHO) para tumulong sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa coronavirus.

Nagmistulang ghost town ang mga kalsada sa China matapos pumutok ang naturang isyu. Nagpatupad din ng patakaran ang Communist Party kung saan ipinag-utos nito ang pagkansela ng mga flights, pabrika at eskwelahan.

Bumalik din sa China si WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na may dalang panibagong kasunduan sa pagpapadala ng kanilang mga tauhan para sa isang international mission.

“I’ve just been at the airport seeing off members of an advance team for the @WHO-led #2019nCoV international expert mission to #China, led by Dr Bruce Aylward, veteran of past public health emergencies,” saad ni Tedros sa kaniyang tweet.

Idineklara ng ahensya na global emergency ang coronavirus outbreak noong Enero 30, ilang araw matapos ipatupad ang lockdown sa Hubei province.

Ayon kay Dr. Amesh Adalja, senior scholar mula sa Johns Hopkins Center for Health Security, iimbestigahan ng grupo hindi lamang kung paano kumalat ang naturang virus ngunit pati na rin kung gaano kalala ang epekto ng pagkalat nito.