-- Advertisements --
Kinondina ng United Nations Human Rights Council ang walang kuwentang pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Sinabi ni UNHRC chief Michelle Bachelet na dapat ay agad na tigilan na ng Russia ang nasabing giyera sa Ukraine.
Sa pagtagal ng nasabing labanan ay lalong tumataas ang bilang ng mga nasasawing biktima.
Iginiit pa nito na sa malawakang pagkasira ng mga gusali at pagkasawi ng mga inosenteng sibilyan ay tila walang nakikitang katapusan ang giyera.
Umaabot na sa mahigit 10,000 na sibilyan ang nasawi kung saan 335 sa mga dito ay amga bata.










