Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue na kanilang mahigpit na minomonitor ang umano’y sindikato sa loob ng kanilang ahensya.
Sa isang pahayag, sinabi BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang mga ito ay sangkot pagtatamper ng ng Point of Sales-Cash Register Machines.
Sinabi pa ng opisyal na kanilang sasampahan ng kasong kriminal at tatanggalin sa trabaho ang sinumang empleyado ng kanilang ahensya na mapapatunayang sangkot sa iregularidad.
Kung maaalala, taong 2023 ng ihabla ni Lumagui ang isang BIR personnel na umano’y’ nakikipag sabwatan sa kanyang asawa sa pag-tamper at pagbenta ng Point of Sales-Cash Register Machines na siyan namang nagmamanipula ng sale sa mga nagbabayad ng buwis.
Sinampahan rito iton ng kasong kasong administratibo na nangangailangan ng kumpirmasyon ng DOF.
Ayon sa opisyal, pinagtibay na ng DOF ang desisyon ng BIR sa pagsibak sa mga tiwaling tauhan nito sa ahensya.
Iknatuwan naman ni Lumagui ang suportang ito ng DOF upang maayos na maitaguyod ang integridad at propesyonalismo ng mga empleyado ng BIR.