Reading Time: 1 minute

DAVAO CITY – Binaha ang halos buong Poblacion Pantukan sa Compostela Valley kaninang umaga.

Inihayag ng mga residente ng Pantukan, ito ang pinakaunang pagbaha na kanilang naranasan na hindi nila inaasahan sa loob ng maraming dekada partikular na sa Poblacion area.

Batay sa mga larawan, rumagasa ang malakas na daloy ng tubig-baha sa national highways simula alas-3:00 ng madaling araw na nagresulta rin sa hanggang tuhod na baha sa Pantukan Overland Transport Terminal.

Ayon sa Office of Civil Defense-11, ang localized thunderstorm na nakaapekto sa Barangay Kingking, Pantukan bandang alas-11:30 kagabi, ang siyang dahilan ng matinding baha.

Apektado ng humupang flashfloods matapos ang halos pitong oras ang maraming mga business establishments sa lugar.