Ipinahayag ni PNP chief Azurin na bineberipika pa rin ngayon ng Pambansang Pulisya kung mayroon nga bang sangkot na mga pulis sa naturang krimen o kung nagdamit lamang ang mga ito ng police uniform para itago ang kanilang pagkakakilanlan.
Aniya, tinitignan na rin ngayon ng pulisya kung paano nakuha at nagamit ng mga salarin ang plate number ng impounded na sasakyang kanilang ginamit bilang getaway vehicle.
Bukod dito ay inihayag din ni Azurin na inatasan na niya ang Police Regional Office 2 na gamitin ang lahat ng kanilang resources sa pagsasagawa ng imbestigasyon para sa pagtugis sa mga suspek sa karumaldumal na krimen na ito.
Kung maaalala, bumuo na rin ng Special Investigation Task Group ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office para tutukan ang imbestigasyon sa naturang krimen.