Deny nor confirm pa rin ang celebrity love birds na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa gitna ng usap-usapan na nauwi na sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Batay sa impormasyon, kasalukuyang nasa Vietnam si Lloydie, habang ang dating sexy actress ay sa Thailand nagbabakasyon karamay si Beauty Gonzales.

Sinasabing si Ellen ang kumalas dahil sa umano’y pagiging “too weird” ng 36-year-old actor at bawal nang lumapit sa 31-year-old actress na galing sa mayamang angkan sa Cebu.

Ellen Lloydie

Nasa kustodiya rin ni Adarna ang anak nilang si Elias Modesto na kaka-one year old lang nitong Hunyo, kasabay ng paggising daw sa katotohanan na ayaw na nitong makasama pa si Cruz.

Sa kabila nito, magkasama pa rin nilang ipinagdiwang ang kaarawan ni Elias.

Kung maaalala, nawala sa “lime light” si John Lloyd matapos naging abala sa personal niyang buhay kasama si Ellen, na naging kasintahan din noon ng presidential son na si “Baste” Duterte.

Nabatid na good friends pa rin sina Ellen at Baste matapos mag-break, bagama’t nabigyan ng malisya ang magkasama pa rin nilang pagpapalipas ng magdamag noong 2017.