-- Advertisements --
ILOILO CITY – Tiniyak ng Iloilo City Police Office (ICPO) na iniimbestigahan na ang sinasabing bentahan ng bakuna sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay P/Col. Uldarico Garbanzos, director ng ICPO, sinabi nito na may mga pulis ng ilalagay malapit sa mga vaccination area upang mamonitor ang nasabing modus.
Ayon sa natanggap na report ng mga pulis, P1,500 umano ang binibentang vaccination ticket kapalit ng pagturok kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Nilinaw din ng ICPO at Iloilo City Government na hindi ibinebenta ang mga COVID-19 vaccines o vaccination tickets dahil libre ito muna sa national government.










