Pinaiimbestigahan sa Kamara ng Makabayan bloc ang umano’y overpriced fertilizers na binili ng Department of Agriculture (DA).
Sa kanilang inihaing House Resolution No. 992, inaatasan ng Makabayan bloc ang House committee on agriculture and food, at committee on good government and public accountability magsagawa ng imbestigasyon sa naturang usapin.
Nakasaad sa resolusyon, na nagsagawa ng bidding ang DA para sa 1.8 million bags ng urea fertilizers sa halagang P1.8 billion o P1,000 kada bag.
Ang fertilizers na ito ay para sa Rice Resiliency Program ng DA na naglalayong itaas ang rice production ng bansa mula 87 percent patungong 93 percent sa katapusan ng 2020.
Pero para sa mga kongresista, overpriced ng P271.66 million ang naturang bidding, gayong ayon sa mga magsasaka anila sa Tralac at Nueva Ecijia ang presyo ng urea ay nasa P850 lamang kada bag.
“This issue on the alleged overpriced fertilizer further raised suspicion because news reports stated that the winning bidder La Filipina, does not also have available stocks of urea fertilizers nor has it shown any bill of lading to prove that it had an incoming supply of urea fertilizers and yet it still bagged the contract,” saad ng Makabayan bloc.
Nauna nang itinanggi ni Agriculture Sec. William Dar ang alegasyon na ito, sa pagsasabi na ang bidding price ay nakabase sa price monitoring ng Fertilizer and Pesticide Authority.