-- Advertisements --

Nagbabala sa publiko ang Southern Police District kaugnay sa umano’y resurgence o muling pagkalat online ng mga post kaugnay sa umano’y chop-chop syndicate sangkot ang police officers.

Ang naturang post kaugnay sa umano’y sindikato ay in-upload noong Pebrero 17.

Ayon naman sa SPD, bagamat maaaring magdulot ng pagkabahala ang naturang post, wala aniyang naiulat na anumang insidnte o mga biktima na humingi ng tulong sa anumang police stations sa Southern Police District.

Sinabi din ng SPD na nagsagawa na sila ng validation sa naturang post at napatunayang walang katotohanan ang alegasyon sa naturang post.

Bunsod nito, binigyang diin ng SPD na mahalagang maging mapanuri sa mga natatanggap na impormasyon at iberipika muna kung totoo ito bago i-post.

Aniya, mayroon na ring kumalat dati sa isang online platform na nagpapakita ng parehong warning noon pang 2017 kaugnay sa modus operandi sangkot ang mga nagpapanggap na police officers para makapang-scam. Kayat posible aniya na ang kasalukuyang alegasyon ay resurgence lamang ng dating panloloko.

Samantala, ipinaliwanag naman ng SPD na mayroong hurisdiksiyon sa Tagui, Muntinlupa, Las Piñas, Makati, Parañaque and Pasay, at bayan ng Pateros na naglata ang SPD ng security measures gaya ng aktibong presensiya ng kapulisan lao na sa mga lugar na madalas na may nangyayaring krimen para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng komunidad.