Kinumpirma ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na may namo-monitor silang recruitment ng ISIS sa bahagi ng Luzon at Visayas.

Ang mga recruitment na ito ay kanila raw na-monitor sa Marawi at Lanao area, subalit hindi pa rin daw kumpirmado ang mga ulat na ito.

Sinabi ni Dela Rosa na tinututukan ngayon ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang nasagap nilang impormasyon patungkol sa pag-recruit ng ISIS sa mga Muslim areas sa Mindanao.

Tumanggi namang banggitin ni Dela Rosa kung ano ang kanilang ikinakasang operasyon laban sa terorismo, subalit siniguro na ongoing ang mg ito.

Naniniwala rin daw siya na ang pagsugpo sa banta ng ISIS sa Luzon at Visayas ay sa pamamagitan ng information sharing sa AFP at sa iba pang law enforcement agencies