-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Naka-standby na ang ilang tropa ng 27th Infantry Battalion sa boundary ng Barangay Ned sa Lake Sebu, South Cotabato, at Barangay Molon sa Palimbang, Sultan Kudarat.

Ito’y matapos ang iligal na pag-okupa umano ng ilang armadong kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at ng kasalukuyang kapitan ng Barangay Molon sa bahagi ng Barangay Ned Lake.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Korondal kay Lieutenant Colonel Jones Otida, battalion commander ng 27th Infantry Battalion, nanindigan ito na ang iligal na pag-okupa ng kampo ni Kapitan Adam sa bahagi ng Ned ang nagdulot ng kaguluhan sa lugar.

Sinasabing may mga naitala pang palitan ng putok ng baril na nagresulta sa paglikas ng mahigit 600 residente.

Dagdag pa ni Col. Otida na kung patuloy pa ang iligal na pagsakop ng ilang armadong grupo at nina Kapitan Adam ay mapipilitan silang magsagawa ng operasyon at ipatupad ang batas.

Una nang lumapit sa Bombo Radyo Koronadal ang punong barangay upang linawin na hindi rido ang nagaganap, bagkus ay ang nanggugulo lamang daw ay ang kapitan ng Barangay Molon na si Khalid Kaing na nagsasagawa ng strafing at ambush sa lugar.