BUTUAN CITY – Malalimang imbestigasyon ang ginawan ng pulisya hinggil sa pinaniniwalaang hostage taking na kumitil sa buhay ng suspek kahapon sa alas 12:00 ng tanghali sa Barangay Washington, Surigao City.
Base sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Executive Master Seargent Jeanil Saraus, Freedom of Information Incharge ng Surigao City Police Station, alas 12:40 ng tanghali ng natanggap nila ang naganap sa 4th floor ng ASY Building, Kaimo Street, sa Barangay Washington.
Nadala na sa ospital ang tatlong mga biktima na kinabibilangan nina Victoria Cai Ke, 18-anyos at isang 12-anyos na babae at 16-anyos na lalaki na parehong may mga sugat sa ulo at katawan.
Habang nakita naman ng mga pulis ang nakahandusay na lalaki na syang suspek na naliligo na ng dugo matapos may tama ng baril sa ulo.
Nakilala itong si Lojie Dave Esteban Tadlas, 32-anyos, binata, isang Security guard na residente ng Riverside Kaskag, Brgy Washington, na lumad na taga Barangay Tagabaca, Basilisa, Dinagat Island na nadala pa sa ospital ngunit binawian din ng buhay pasado alas 3:50 sa hapon base sa attending physician na si Dr. John D. Bartolome.
Sa inisyal na imbestigasyon, nanonood lamang ng TV ang mga biktima ng may kumatok at nang buksan ay bumungad na ang suspek na may dalang ball hammer o martilyo at inatake ang mga biktima hanggang nakalabas at nakahingi ng tulong.
Ayon kay PEMS Saraus, inaalam pa nila ang kabuu-ang pangyayari lalo na’t may tama ng baril sa ulo ang suspek.
Itinurn-over umano ng ama ng mga biktima na si Je Shi Ke ang isang 9mm na pistola na may 7 ka mga bala na nakuha ng suspek.