CEBU CITY – Dalawang karton ng hinihinalang fishery products mula sa China ang sinunog ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-7.
Unang narekober ng BFAR Fishery Inspection Quarantine Service ang nasabing produkto sa Mactan-Cebu International Airport matapos matukoy na kulang sa dokumento gaya ng importation at local transport permits.
Ayon kay BFAR-7 Director Allan Poquita sa naging panayam ng Bombo Radyo, pinadala ang fishery products via connecting flight mula sa Clark International Airport.
Dagdag ni Poquita na inaalam na ng otoridad kung sino ang nagpadala ng kargamento habang isinailalim na sa imbestigasyon ang forwarding service na nagkarga ng naturang fishery products.
Giit ni Poquita na kinakailangan ang mga kaukulang papeles sa pagpapadala ng mga fishery products upang makaiwas sa mga “zoonotic” diseases na maaaring dala nito.