Kaagad na inamin ng isang biktima ng human trafficking na siya ay iligal na na-recruit matapos ang isinagawang immigration secondary inspection ng mga tauhan ng Immigration.
Kinilala ng Bureau of Immigrations Immigration Protection and Border Enforcement Section ang biktima na si alyas Nina.
Hindi umano nagtutugma ang mga statement ng biktima kaya nagduda ang mga tauhan ng Immigration .
Sa unang pahayag ng biktima, siya umano ay magtutungo sa Hongkong at Macao para mamasyal.
Di nagtagal, umamin rin ito na siya na nirecruit patungo sa United Arab Emirates para magtrabaho bilang isang household service worker
Sinabi niya na siya ay na-recruit ng isang Pinay na nakilala niya sa online , at inalok ng buwanang sahod na Php 30,000.
Ayon naman kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, tama ang naging desisyon ng biktima na huwag nang tumuloy upang di siya mapahamak.
Kaagad namang itinurnover ang kaso ni Nina sa Inter-Agency Council Against Trafficking upang mabigyan ito ng tulong na masimulan ang imbestigasyon laban sa kanyang recruiter.