LAOAG CITY – Arestado ang umano’y asset ng PNP sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Cabungaan-A sa lungsod ng Laoag.
Nakilala ito na si Nolimar Valdez, 39-anyos, residente sa Barangay 23 sa bayan ng San Nicolas.
Nakumpiska sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nabili ng police pusuer buyer, P1,000 marked money, cellphone at isa pang sachet na nasa kanyang kustudiya.
Iginiit naman ni Valdez na hindi siya nagbebenta ng iligal na droga at itinigal na niya ang paggamit simula nang sumuko noong 2017.
Ayon pay kay Valdez, noong isang araw ay nasa bayhe ito at nakatanggap ng tawag na umuwi sa Ilocos Norte dahil may isasagawang surveillance sa isang taong hindi na nito pinangalanan.
Inihayag nito na kanina ay pumunta nga sila sa Barangay 19 sa bayan ng San Nicolas at sa Barangay Gabu dito sa lungsod ngunit ibinaba rin sa Barangay Cabungaan-A dahil mayroon umanong operasyon ang mga pulis sa bayan naman ng Paoay.
Ganunpaman, dito na umano isinagawa ang transaksyon ngunit iginiit na hindi nagbenta ng droga at ang pera niya lamang ay 500 pesos at ang 100 pesos na ibinigay sa kanya na pamasahe pauwi sa kanilang bayan.
Hindi rin aniya nito alam kung ano ang dahilan kung bakit naakusahang nagbenta ng droga dahil taong 2017 pa ay naging asset na umano siya ng pulisya.