-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nadagdagan pa ang mga nasawi dulot ng COVID-19 sa Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa LGU Santiago City, umakyat na sa 7 COVID-19 related death ang naitala sa nasabing lugnsod.

Sa kasalukuyan ay may 62 aktibong kaso ng COVID-19 ang Lunsod, 16 anim dito ay nasa pangangalaga ng SIMC, dalawa ang nasa pangangalaga ng Adventist Hospital, isa ang nasa pangangalaga ng CGHMCI at 43 ang nasa LGU Isolation Facility.

Sa kabuoan ay mayroon nang 849 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Santiago City, 780 dito ang gumaling na habang umakyat na sa 7 ang nasawi.

Ikinalungkot naman ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang Lunsod ang pagkasawi ng kaanak ng isa nilang Department Head.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Mayor Joseph Tan sinabi niya na nalulungkot sila sa pagkasawi ng isang kaanak ng kanilang Department Head dahil sa Virus.

Dati na ring may comorbidity ang pasyente at nakapagpalala sa kondisyon nito ang COVID-19 dahilan para tuluyang bawian ng buhay.

Ayon sa Punong Lungsod, nagpositibo sa COVID-19 ang buong pamilya ng nasawing pasyente.

Patuloy naman ang kanilang contact tracing upang matukoy ang pinagmulan ng virus.

Isinailalim pa rin sa Lockdown ang tanggapan ng nasabing Department Head at tuluyan na ring inilibing ang nasawing kaanak nito.

patuloy namang hinihimok ng LGU ang publiko na sumunod sa bawat panuntunan upang maprotektahan ang sarili at iba laban sa nakamamatay na virus.