DAVAO CITY – Nasa kostudiya na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang mga minor de edad kasama ang dalawang iba pa na mga dating miembro ng New Peoples Army matapos na sila ay sumuko.
Kinilala ang mga surrenderree na sila alias “Jomari”, 18 anyos, Squad Political Guide; alias “Vina”, 19 anyos, Squad Supply Officer; alias “Macoy”, 14 anyos, Team Supply Officer; at alyas “Dondon”, 15 anyos, Platoon Supply Officer.
Sa tulong ng apat na mga dating miembro ng NPA natunton ng mga tropa ng 66IB ang pinagtataguan nila sa dalawang M16 rifles sa Sitio Mission, Brgy Andap, New Bataan, Davao de Oro.
Mula 2016 nakapagtala na ang 10ID ng 121 na na-rescue na mga minor de edad nga ginamit ng CTG bilang mga child combatant.
Nakatakda namang ityurn-over ang 2 minor de edad sa New Bataan Municipal Social Welfare Development Office para sa kaukulang hakbangin.