CAUAYAN CITY- Itinuturing na biyaya ng Department of Agriculture region 2 ang ulan na dala ni Bagyong Ambo na nagdulot ng bahagyang pagtaas ng lebel ng tubig sa Magat Dam at Cagayan River.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Rose Mary G. Aquino, OIC Regional Technical Director for Research and Regulations ng DA region 2, sinabi nito na walang pinsala na idinulot ng nasabing sama ng panahon sa sektor ng agrikultura.
Itinuturing anya ngayon ng kanilang tanggapan na biyaya ang pagbuhos ng ulan na dulot ng nasabing bagyo dahil matagal na panahon na hinintay ang pag-ulan kung saan naging kapaki-pakinabang sa sektor ng agrikultura.
Bago pa man manalasa ang nasabing bagyo ay nakapaghanda na ang kanilang tanggapan ngunit laking pasasalamat nila dahil nakatulong sa mga magsasaka ang ulan na dala ng bagyong Ambo.
Samantala, nagpapatuloy din ang kanilang pamamahagi ng libreng binhi ng palay at mais na may layuning mabawasan ang gastusin ng mga maliliit na magsasaka