-- Advertisements --

Patuloy ang paglapit sa Metro Manila ng severe tropical storm Jolina, matapos ang walong landfall nito mula pa noong Lunes ng gabi.

Unang tinamaan nito ang Hernani, Eastern Samar, sinundan ng landfall sa Daram; Santo Niño; Almagro at Tagapul-an sa Samar.

Habang sinundan ito ng panibagong paghagupit sa Dimasalang, Masbate; sunod sa Torrijos, Marinduque at kaninang umaga sa San Juan, Batangas.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa Rosario, Batangas.

Taglay nito ang hangin na 95 kph at may pagbugsong 130 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Signal No. 2:
Marinduque, northern at central portions ng Oriental Mindoro, northern at central portions ng Occidental Mindoro, kasama na ang Lubang Islands, central at southern portions ng Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Manila, southern portion ng Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales at Tarlac

Signal No. 1:
La Union, southern portion ng Benguet, southern portion ng Nueva Vizcaya, southern portion ng Aurora, Pangasinan, Nueva Ecija, nalalabing lugar sa Bulacan, natitirang bahagi ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, western portion ng Camarines Sur, western portion ng Romblon, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro at natitirang parte ng Occidental Mindoro