-- Advertisements --

Patuloy pa ring makakaranas ng mga pag-ulan ang malaking parte ng ating bansa, kahit malayo na sa lupa ang tropical storm Leon.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 405 km kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

May taglay itong lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

Kabilang naman sa mga lugar na uulanin ang MIMAROPA, Metro Manila, Central Luzon, Bicol Region, CALABARZON, Mindanao, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Pangasinan, La Union, Iloilo, Antique at Aklan.