-- Advertisements --

Napanatili ni Oleksandr Usyk ang kaniyang heavyweight title matapos talunin muli si Anthony Joshua.

Nakuha ng 35-anyos na Ukrainian boxer ang split decision sa 12 round fight na ginanap sa Jeddah, Saudi Arabia.

Mula sa simula ay na-domina ni Usyk ang laban subalit pagdating ng ika-siyam na round ay doon bahagyang nakabawi si Joshua.

Dahil sa panalo napanatili ni Usyk ang kaniyang WBA super, IBF, WBO at IBO heavyweight title.

Labis naman ang pagkadismaya ng 32-anyos na boksingero sa naging performance niya.

Magugunitang noong Setyembre 25,2021 ay nagwagi si Usyk sa pamamagitan ng unanimous decision.