-- Advertisements --
Aminado si Ukraine President Volodymyr Zelensky na nawalan na ang atensiyon ng mundo sa nangyayaring labanan nila ng Russia mula ng sumiklab ang labanan ng Israel at mga Hamas militants.
Sinabi nito na maaring ito ang ginagawa ngayon ng Russia para hindi gaanong mapansin at mawalan ng suporta ang Ukraine mula sa mga kaalyadong bansa.
Subalit pagtitiyak naman ni Zelensky na nakakalamang pa rin sila dahil sa nabawi nila ang maraming lugar na unang sinakop ng Russia.
Hindi rin aniya nagbabago ang kaniyang panawagan sa ibang mga bansa na kailangan nila ang mga fighter jets na panlaban sa Russia.