-- Advertisements --

Hindi tumitigil si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na manghikayat sa mga world leaders na bilisan nila ang pagbibigay at pagdesisyon ng mga tulong militar para tuluyang labanan ang puwersa ng mga Russia.

Isinagawa nito ang apila sa Munich Security Conference sa Germany kung saan naglabas ito ng virtual na mensahe sa harap ng ilang world liders gaya nina French President Emmanuel Macron at German Chancellor Olaf Scholz.

Ang nasabing panawagan ni Zelensky ay isang linggo bago ang unang taon na anibersrayo ng pananakop ng Russia sa Ukraine.

Sinang-ayunan naman ni German Chancellor Olaf ang panawagan na ito ni Zelensky dahil sa kailangan nilang gumalaw ng mabilsan.