-- Advertisements --

Humirit ng dagdag na mga patriot missiles si Ukrainian President Volodymyr Zelensky mga iba’t-ibang lider ng bansa.

Sinabi nito na magiging epektibo ang nasabing missile systems kapag natapos ng maideliver ang mga fighter jets sa Ukraine.

Nakita kasi nito na naging susi ang mga patriot missiles para mapabagsak ang mga missiles na pinapakawalan ng Russia.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay isa sa dalawang Patriot systems sa Ukraine ang nagtamo ng damyos matapos tamaang missiles ng Russia.