Ipinaabot ni Pope Francis kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang kanyang “most profound pain” sa dinaranas ngayon ng bansa, ayon sa Ukrainian Embassy sa Vatican.
Inanunsyo ng embahada ang pag-uusap na ito nina Pope Francis at Zelenskiy sa pamamagitan ng isang tweet.
Sa isang panayam, sinabi ng isa sa mga opisyal ng Ukranian Embassy sa Vatican na nangyari ang pag-uusap nina Pope Francis at Zelenskiy bandang alas-4:00 ng hapon (1500 GMT).
Kinumpirma naman ng Vatican ang naturang pag-uusap at sa kanyang naging tweet ay nagpasalamat naman si Zelenskiy kay Pope Francis sa pagpanalangin ng kalayaan para sa Ukraine.
Nangyari ang pag-uusap na ito isang araw pagkatapos nang surprise visit ni Pope Francis sa Russian embassy para i-relay ang kanyang concern dahil sa invasion ng Russia sa Ukraine.
Pero mariing itinanggi ni Russian ambassador sa isang Argentine media report ang pagpapagitna ni Pope Francis.