-- Advertisements --

Nakapulong na ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga senador ng US.

Ibinahagi nito ang kasalukuyang kalagayan ng seguridad at ekonomiya mula ng sakupin sila ng Russia noong Pebrero 2022.

Iginiit din nito na sa nasabing kalagayan ay mahalaga talaga ang suportang maibibigay ng US para sa paglaban sa kanilang kalayaan at demokrasya.

Pinasalamatan nito sina Senate Democratic Leader Chuck Schumer at Senate Republican Leader Mitch McConnell.

Magugunitang hinarang ng mga mambabatas ng US ang hiling ni US President Joe Biden na $60 bilyon na tulong militar sa Ukraine at sinabi ng mga mambabatas na ilaan na lamang ito sa pagpapahigpit ng border control.