-- Advertisements --
Nanindigan ang Ukraine na wala itong isusuko ni isang sentimetro sa giyera nito sa Russia para makontrol ang eastern Donetsk region.
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky nagpapatuloy ang aktibidad ng Russian occupiers kung saan araw-araw pa rin ang pagpapakawala ng serye ng pag-atake sa rehiyon.
Naging sentro ng conflict sa industrial region ng Donetsk ay sa towns ng Bakhmut, Soledar at Avdiivka, ang theater kung saan nanganap ang heaviest battle sa bansa mula ng maglunsad ng military operation ang Russia noong Pebrero.
Matatandaan na ang rehiyon ang isa sa apat na inaangkin ng Russia na kanilang annex noong huling bahagi ng Setyembre.