-- Advertisements --
Nanawagan ang Ukraine sa International Criminal Court (ICC) na magsagawa ng imbestigasyon sa pamamaslang umano ng mga sundalo ng Russia sa mga Ukrainian prisoners of war.
Ayon kay Foreign Minister Dmytro Kuleba na kaniyang napanood ang isang video ay hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng kanilang mga sundalo na nadakip ng mga Russian forces.
Mahalaga na maglunsad agad si ICC Prosecutor Karim Khan sa nasabing usapin.
Magugunitang ipinakalat ng mga Russian forces ang mga video ng pagpaslang nila sa mga dinakip nilang sundalo ng Ukraine.