Hinikayat ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang North Atlantic Treaty Organization na magbigay na ng malinaw na go signal para sa Ukraine para sa pagsali nito sa kanilang military alliance sa oras na matapos na ang nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng kanilang bansa laban sa Russia.
Sa kaniyang naging parliament speech sa Constitution Day ng Ukraine ay sinabi ni Zelenskiy na hindi na dapat pang isipin ng mga global leaders ang magiging reaksyon ng Moscow sa pagpapahintulot sa kanilang bansa na maging kaanib ng North Atlantic Treaty Organization dahil ang Russia aniya ay bansang political at military leaders na inilarawan din niya bilang “bandits”.
Sa naturang pahayag ay sinabi ni Zelensky na inaasahan niya na sa July 11 hanggang 12 ng NATO summit sa Lithuania ay magkakaroon na ito ng desisyon hinggil sa kanilang kahilingan pagkatapos aniya ng isasagawa nilang pakikipagpulong sa Ukranian capital kasama si Polish President Andrzej Duda at Lithuanian President Gitanas Nauseda.
Aniya, umaasa rin ang Kyiv na makakatanggap ito ng security guarantees sa naturang summit na makakatulong sa pagprotekta sa Ukraine hanggang sa tanggapin na ito bilang miyembro ng North Atlantic Treaty Organization.
Samantala, sa bukod naman na pahayaga ay sinabi ni Polish President Andrzej Duda na ginagawa ng Poland at Lithuania ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan ang Ukraine na matiyak ang mga layunin nito sa lalong madaling panahon. Ang dalawang bansa ay malaking tagasuporta ng Ukraine, at si Vilnius ay bumibili ng NASAMS air defense system para sa Kyiv mula sa isang Norwegian na kumpanya.