-- Advertisements --
Nagpalipad ng 10 missiles ang Ukraine patungo sa Crimea.
Bukod sa missiles ay mayroon pang tatlong unamanned na bangka na umatake sa Black Sea fleet sa Crimea.
Nagresulta ang nasabing atake ng malaking sunog sa Sevastopol shipyward na ikinasugat din ng 24 katao.
Sinabi ni Crimean governor Mikhail Razvozhayev na karamihang mga missiles ay naharang nila.
Ayon sa Ukraine na ginamit nila ang cruise missiles na ibinigay ng ilang mga western countries.
Tumama ang sea drones at drone boats sa lugar kung saan inaayos ang maraming mga barko ng Russia.
Nagbabala pa ang Ukraine na mayroon pang mga susunod na pag-atake laban sa Russia.