-- Advertisements --
Naghain ng walo pang war crimes ang Ukraine laban sa sundalo ng Russia.
Ayon kay Ukraine’s Prosecutor General Iryna Venediktovak na ang ilang mga sundalo ng Russia ay pumatay ng sibilyan, nanggahasa at ang iba ay nagnakaw pa.
Nauna rito siang 21-anyos na sundalo ng Russia ang hinatulan na makulong ng habambuhay dahil sa pagpatay sa walang kalaban-laban na lalaki.
Dalawang sundalo rin ng Russia ang nahatulan na rin dahil sa paglabag sa “law of war” ng Kotelevsky district court of Poltava region.
Mayroon aniyang 16,000 na war crime cases ang iniimbestigahan na rin ng prosecutor sa Ukraine.