-- Advertisements --
Muling humirit ng tulong si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa US.
Sa pagbisita sa Ukraine ni US Senator Lindsey Graham ay ibinahagi ni Zelensky ang kahalagahan ng nasabing tulong militar ng US.
Pinangangambahan nila ang pagpapaigting ng Russia ng kanilang atake lalo na at nagwagi sa kaniyang ika-limang termino si Russian President Vladimir Putin.
Sa nasabing pagkahalal kay Putin ay maraming bansa ang hindi kumbinsido at sinabing iligal ang ginawang halalan.
Subalit nanguna na ang China, India, North Korea, Syria at Saudi Arabia na bumati kay Putin sa pagkapanalo nito sa halalan.
Matapos ang panalo sa halalan ay dumalo si Putin sa ika-10 anibersaryo ng pagsakop ng Russia sa Crimea.










