-- Advertisements --

Mas lumalawak pa ang nababawing lupain ng mga sundalo ng Ukraine sa mga teritoryo na sinakop ng Russia.

Ayon sa military ng Ukraine na nasa mahigit 3,000 square kilometers na ang kanilang nabawi.

Isa umano itong magandang resulta ng isinasagawa nilang counter-offensive na sinimulan noong unang araw ng Setyembre.

Kinumpirma din ng Russian army na umatras ang kanilang sundalo sa mga bayan ng Izyum at Kupiansk.