-- Advertisements --

Buong tapang na nagpahayag ng pangako ang Ukraine na lalaban ito hanggang sa wakas sa Mariupol laban sa Russia.

Ito kasunod nang pagtatapos ng ultimatum ng Russia para sa mga natitirang Ukrainian forces na sumuko sa southeastern port city kung saan isinasagawa ng Moscow ang kanilang major strategic victory.

Ipinahayag ni Prime Minister Denys Shmyhal ilang oras matapos ang deadline ng Moscow para sa mandirigma na nakahanda silang makipaglaban hanggang sa huli sa pamamagitan nang pinagsama-samang tulong ng kanilang natitirang military forces.

Sa kabilang banda naman ay sinabi ng Russia’s defence ministry na mayroong hanggang 400 mercenaries ang nasa loob ng nakapaligid na Azovstal steel plant upang manawagan sa Ukrainian forces na ibaba ang kanilang mga armas at sumuko na lamang kapalit ng kanilang kaligtasan.

Ayon sa Moscow, inatasan ng Kyiv ng “shoot on the spot” ang mga mandirigma ng nationalist Azov battalion sa sinumang gustong sumuko.

Samantala, sinabi naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na matatapos ang negotiation process upang wakasan ang halos dalawang buwan na labanan sa oras n a patayin ng Russian forces ang natitirang tropa ng Kyiv upang ipagtanggol ang lungsod.

Magugunita na una nang sinabi ni Russian President Vladimir Putin na ang kanilang pakikipag-usap sa Ukraine ay nasa “dead end” na.