-- Advertisements --
Binalaan ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang mga airline companies na huwag ng dumaan sa airspace ng Russia.
Ito ay dahil sa mas pinaigting nilang drone attack sa Russia.
Sinabi ng Ukraine President na nagiging delikado na ang himpapawid ng Russia sa mga civilian aviation.
Paliwanag pa ni Zelensky na hindi naman nito binabantaan ang mga civilian aviation at sa halip ay ayaw lamang nito na may madamay na sibilyan.
Dahil sa naganap na pag-atake ng Russia sa Ukraine ay madalang na ang dumadaan sa airspace ng Russia kung saan tanging ang China at Turkey lamang ang dumadaan doon.
Noong nakaraang mga araw ay inatake ng Ukraine ang mga energy facilities ng Russia at maging ang pinakamalaking oil depots ng Russia.
















