-- Advertisements --

Naging matagumpay ang isinagawang palitan ng prisoners of war sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng prisoners swap mula noong naganap ang pagbagsak ng military transport plane ng Russia na lulan ng 65 na sundalo ng Ukraine.

Ayon sa Russian Ministry of Defense, na bawat panig ay nakakuha ng tig-195 na sundalo.

Dinala na ang mga sundalo sa pagamutan para makatanggap ng medical at psychological treatment.
Ang nasabing palitan ng sundalo ng dalawang panig ay pinangunahan ng Unted Arab Emirates.

Sinabi naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ito na ang pinakamalaking prisoners swap mula ng magsimula ang labanan noong Pebrero 2022.

Mula ng sumiklab ang paglusob ng Russia sa Ukraine ay nagkakaroon ng palitan ng prisoners of war sa magkabilang panig habang patuloy naman na namamagitan ang UAE para isulong ang usaping pangkapayapaan.