-- Advertisements --

Naiuwi ng Ukraine ang bangkay ng 1,212 na mga sundalo nila matapos ang naganap na prisoners exchange nila ng Russia.

Sa kabila din nito ay natanggap ng Russia ang bangkay 27 bangkay na bihag ng Ukraine.

Ang nasabing prisoners exchange ay naisakatuparan bilang resulta ng peace talks na ginanap sa Turkey noong nakaraang Linggo.

Sa nasabing usapin ay nagkasundo ang magkabilang panig na magpalitan sila ng nasa 6,000 na mga bangkay.

Kabilang din dito ang pagpapalaya ng mga may sakit at labis na nasugatan ng mga itinuturing na prisoners of war.

Magugunitang nitong Lunes ng ginanap ang unang bahagi ng prisoners swap at sa araw naman ng Biyernes ay gaganapin ang pagpapalitan ng mga sugatang prisoners of war.