-- Advertisements --

Bigo muli na magkasundo ang magkabilang panig ng Ukraine at Russia para sa ceasefire o tigil-putukan sa ikalawang round ng direct talks.

Tanging napagkasuduan ng dalawang panig ay ang palitan ng mas marami pang war prisoners kabilang ang lahat ng may sakit at matinding nasugatan gayundin ang mga nasa edad 25 pababa.

Ayon sa Ukrainian negotiators, muling tinutulan ng Russia ang full at unconditional ceasefire sa loob ng 30 araw na pangunahing demand ng Ukraine at ng mga kaalyado nito sa Europe at Amerika subalit nangako ang mga ito ng pagbabalik ng mga labi ng 12,000 sundalo na nasawi sa giyera.

Sa panig naman ng Russia, ipinanukala umano nila ang dalawa o tatlong araw na tigil-putukan sa ilang mga lugar sa may front line subalit hindi naman na ito nagbigay ng karagdagan pang detalye.

Nagtagal ang naturang direct talks sa pagitan ng mga negotiator ng Ukraine at Russia ng mahigit isang oras na ginanap sa kabisera ng Turkey na Istanbul.