-- Advertisements --
Walang tigil pa rin ang ginagawang pag-atake ng Israel sa Lebanon kahit na mayroong ipinapatupad na ceasefire.
Pinakahuling pag-atake ng Israel Defense Forces (IDF) ay ang bayan ng Al-Mansouri.
Kahit na nagkaroon na ng ceasefire agreement sa pagitan ng Israel at Hezbollah ay hindi pa rin tumigil ang Israel.
Inaasahan kasi na tuluyang magwi-withdraw ang Israel sa dalawang lugar sa southern Lebanon.
Mula pa noong Marso 2 ng simulan ng Israel ang pag-atake sa Lebanon ay nasa 4,321 ang nasawi at 12,207 na ang sugatan base na rin sa pagtaya ng public health ministry ng Lebanon.
















