-- Advertisements --
ILOILO CITY – Tiniyak ng United Kingdom na tutulungan ang Pilipinas upang masugpo ang epekto ng climate change sa bansa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Laure Beaufils, sinabi nito na kailangan ng gobyerno na makagawa ng “longterm adaptation plan.”
Kagaya ng pagtanim ng maraming kahoy at pag-relocate sa mga residente na apektado ng pagbaha.
Anya umaabot na sa bilyong pound ang nalikom na pondo ng UK government upang matulungan ang mga bansa sa mundo sa epekto ng climate change kung saan kabilang na dito ang Pilipinas.
Malaking tulong rin ayon kay Beaufils ang United Nations climate change conference sa Glasgow, Scotland upang mapababa ang total greenhouse gas emissions sa mundo.